Monday, November 28, 2005

Words..

naranasan nyo na bang masabihan.. "wala kang kwenta" or, "wala ako pakielam sayo" or ung mas worse.. "sana hindi na lang kita nakilala.."

ako? oo naman. marameng beses na ko nasabihan nung, wala kang kwenta, or wala ko pake sayo.
pero ung isa.. well, once. nasabihan na ko.

lam nyo ba ung feeling? well, hindi masaya, hindi maganda sa loob. masaket. lalu na if ang nagsabe sayo nun, ay importanteng tao para sayo..

wala ka naman magagawa e. kelangan mu lang tanggapin mga sinabe nya. dahel kahet anu sabihin or gawin mu, wala ren syang pakielam. kaya ka nga nya sinabihan ng.. "sana hindi na lng kita nakilala.." kasi ayaw na nyang makasama ka, or makausap, or kahet anu man lng.

ano ba ang dapat mong gawen? san ka ba dapat lulugar?

iiyak ka ba?
tatawa?
magsasaya?

hindi ko alam..

basta ang alam ko, wala na akong magagawa. wala na ren silang or siyang magagawa. nangyare na. nasaktan na ang mga sasaktan. nasabe na ang mga sasabihin. hindi pwedeng ibalik ang nakaraan.
naging masaya ako sa pagdaan ng mga pangyayareng ito.

kailangan lang ay matuto nang magforward. mag move on. iwan na ang masamang nakaraan, harapin ang bukas nang may ngiti sa mukha.

Salamat sa lahat.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home