Saturday, December 31, 2005

Last Day of 2005

Whew.. at last.. tapos na naman ang isang taon. Panibagong taon na naman ito para saken at sa ating lahat!
Dahel kayo, mga family, friends, classmates, etc., ay naging bahagi or parte na nang aking buhay, nais kong ipaalam sa inyo na simula sa Jan.1 (ui wow serious), ako ay isang bagong "Joanne" na!. Tama. kung para sa iba, ako paren ang dating "Joanne" na maingay, madaldal, tamad magaral, iyaken, at kung anu anu pa, well, mali na kayo dyan! hmmm.. nagpagisipan ko kasi na parang netong taong ito, ako ay hindi naging mabuting nilalang or hindi naman sa masama ako noh, pero parang magulo ung takbo nang buhay ko ngayong taong ito.
Sa darating na bagong taon, magbabago na talaga ako ng tuluyan.
Good news friends! Nagawa ko na ung important kong New Year's Resolution!
Sa tatlong nakaapekto sa aking buhay, maraming maraming salamat, naging masaya at malungkot ako sa pagdaan nyo, ngunit ako naman ay naging isang strong person na kayang harapin na ang bukas ng mei ngiti sa labi.. *naks*
Mahirap man, kelangan kong gawin eh. lam nyo, sobrang hirap talaga. hahaha.. kahet hindi ko gusto na kalimutan ang "dating Joanne", kelangan eh.
Sa totoo lang, madame akong napagdaanan, nito lang December, pero sa mga napagdaanan kong ito, dun ko narealize na DAPAT! dapat ko na talagang magbagong buhay.
Gusto ko lang humingi ng tawad sa mga nagawa kong kasalanan, sa kahit sino mang tao dyan :)
At gusto ko ren magpasalamat sa lahat lahat ng naging parte nang aking buhay. Hindi ito magiging gantong kameaningful ngayong taon if wala kayo. *hugs*
Sa mga makakabasa nito, SORRY talaga. MARAMENG SALAMAT!
Friends, Say goodbye to the old "Joanne".
I'm stronger now. sana you're happy for me. kasi i'm happy for myself.
Let's Welcome 2006 with a smile!!! =)
<:-P <:-P <:-P <:-P

Wednesday, December 21, 2005

weeeeee

haayyss... ansaya saya ng buhay... parang panaginip lng.. kung panaginip nga un.. sana hindi na lng ako nagising..

hahaha.. parang lumulutang ung isip ko. san kaya pu2nta un? wala tuloi ako masulat na matino.

ampotek.. bahala na si Batman! (Batman bahala ka na huh..)

Happy Bday Tonsy!

hehehe.. Belated Happy bday to my ever dearest "Comfort Buddy" na si Tonsy! Lay yah cb!

haha. Many thanks for all your support and helping hand. lols

lam nyo po kasi, si tonsy po ung taong laging nandyan kapag kelangan mu nang advice and some entertainment. lols.

lam nyo friends, napakamemorable po ng bday ni cb. kasi naman noh, wala lng. sekwet ko na pla un. bwahahahah...

basta. thanks talaga cb! kita mo naman, nagkaron ka pa ng sariling pangalan sa blogs ko. ganun kita kamahal! naks.
haaayyyss, pero seriously. i owe tonsy a lot. isa syang mabuting kaibigan. im lucky to have him. *wink*


taena mu tonsy pakyu! wahahahah..

Saturday, December 17, 2005

walang tulugan..

hay antok na ko. pero di ako makatulog.. amf ansaket pa nang tiyan ko. la kasi makaen eh huhuhu.. gutom na ko. hay..

Thursday, December 15, 2005

Nice Game!

friends, try this game.. enjoy sya! nyahahaha..
http://www.winterrowd.com/maze.swf

hmmm... sana po mag enjoi kayo, ako kasi nagenjoy eh.. lam nyo naman, gs2 kong mashare ang kasiyahan ko sa taong malulungkot. bwahahahah.. stay happy y'all!

Wednesday, December 14, 2005

Happy New Year!

New Year's Resolution?...

every year i make a list of things to be done for the coming year. trip ko lang gumawa taon taon nang new years resolution pero minsan di naman sya nagagawa or nasusunod. pero wala naman siguro masama at wala naman mawawala kung gumawa ako ng ganun db? eh para saan nga ba ang mga ito? minsan diba, gumagawa lang tyo nang mga ganto sa papel, or minsan iniisip lang naten. eh baket ung iba naman hindi nasusunod? para san pa ung ginawa mo na list or ung naicp mu na gawen kung hindi mu ren naman gagawen talaga or ipuput into action, db?
well, i'll show you my own list of New Year's Resolution...



1. Be strong. Magpakatatag -madalas kasi, konting bagay lang, naiiyak na ako, kahet wala naman dapat kaiyakan or hindi naman konektado or hindi nakakaapekto saken ung mga pangyayareng nakakaiyak. pero bket ganun? hindi ko naman mapigilan ung luha ko na tumulo eh. hahaha. basta parang automatic na syang tumutulo kapag mei nararamdaman na akong kakaiba.
2. Bawasan ang pagiging mataray, -minsan lang naman, snob ako. pero minsan lang ha. sinu ba naman ako para magtaray db. minsan lang kasi, or i mean madalas netong taon na ito, lagi akong wala sa mood eh. due to many instances. like ahmm... sekwet. hahah. basta. promise hindi na ako snob..
3. Magpakabaet -hay babawasan ko na po ung pakikipag away ko sa mga friends and basta. hindi ko na sila aawayen ng bigla. pero minsan lang. pwede naman un db? hihi..
well, konti plng yan sa resolutions ko. gs2 ko kasi marame eh kaya lng baka gayahen nyo naman mga resolutions ko noh. well anyway, ang best na resolution kong naicp is...

forget the 3 people who, especially this year, had influnced me in many things. well, hindi naman sila tlaga nagsabe na gawen ko un noh. parang, sila lang ung reasom baket ko nagagawa ung mga bagay na ginagawa ko.. ah basta.. kung sinu man ung tatlong un, well.. bye-bye na! ^-^di ko sure kung kaya ko silang kalimutan, pero i think its the best way for me to have a simple, silent, and happy life. mga peste kasi yang tatlong yan. sila sumira nang buhay ko.. jokeness lang. madrama lng tlg ko. dont worry, bawasan ko ren ang pagdadrama ko.. bwahahah..


goodbye to all the bad memories i had. hello philippines, and hello world. (Toni ako ba ito) bagong taon, magbagong buhay na ren! mabuhay tyo!! *mabuhay*

what's happening..

hay, whats happening to me? i feel reaaaallllyyy...... really weird this past few days. im different, parang my heart beats fast like it wants to get out of my body, my brain is screaming and shouting like it wants pop out off my head.. watda... joanne? are you drugs? (potek hanep sa english!)

hmmm... cguro, its because of this something, someone, whatever. hahahah.. ang gulo ko. hindi ko talaga magets eh, if baket nanyayare saken to. hmm, anlungkot. iba pakiramdam nang nasasaktan nang walang karapatan. sinu ka ba? ano bang papel mo sa buhay ng iba? wala kang halaga. parang ganyan oh. ansarap itanong sa sarili.

sadyang ganyan ang buhay. hindi laging masaya... kelangan mei malungkot na part. wala naman kasing perpekto. pero kahet ganun ang buhay, kelangan lang isipin na mei pagasa. yuck ang corny. pero 22o. kasi walang magandang maidudulot ung pagiisip nang kung anu anu. mababaliw ka lng. cgro lets just accept the path that we're going to take, whether its a smooth road, or rocky road (wow parang ice cream lng) mei reason naman lahat ng mga bagay db? kum baket sila nanyayare? db db? wahahah..

kaya cguro kung anu man ung nararanasan ko ngyon or kung anu man um nangyayare saken ngayon, hmmm... ano nga ba? baka naman mei kahihinatnan den to. mei katapusan ang lahat ng bagay sa mundo, kahet ung mga maliliit na bagay lamang.

hay. think positive. lam ni God ang makakabuti para saten. hindi nya tyo pababayaan. kaya ako, malungkot man, or masaket, hay.. ok lang! kahet hindi. bwahahah. di na ko makapagisip nang maayos noh? la na sense to. sus..

~out.. ZzZz.. -.-

Tuesday, December 13, 2005

hays life

sad.. talo kame sa contest. plus two pa naman un sa kwiz.. asar kasi tong mga prof na to, bulag ba naman. di nila makita si doris.. ang liit kasi bwahahahaha...

anyway, anlungkot ko talaga. lam nyo ba kum baket? kasi bday nang aking comfort buddy na si Francis Erick.. yuck.. a.k.a tonsy. ewan ko ba kung baket un. well anyway, di naman un ung issue dun eh. ang issue dito, pupunta dun ung ahm.... sekwet. ah basta mei pupunta... tas ayun, mei xMaS party kame on the same day.. eh panu un? gabe sila pareho eh.. san ako pupunta *huhuhu*

hmmm.. ganto yan.. magaaral na lang akong mabute.. para naman pumasa ko.. bwahahah..
pero.. hindi ko na alam. bwahahaha.. ah basta..

Monday, December 12, 2005

Confession...

Hay.. i confess.. yuck.. miss ko na sya. bwahahaha.. kilala nyo ba? well, sekwet ko na un. >.<

saket naman nang puson ko.. lintek na yan.. hahaha.. slip na ko.. *mwaaahh*

Saturday, December 10, 2005

aT LoNg LasT

yehey.. natapos ko na ang kwiz ko sa Galileo.. potek ang hirap ha. pero tapos na ko.. kaya nga naggagawa na ako ng blogs eh. nakakatamad naman kasi noh. papasok ka nang saturday para lng sa isang subject? sows..

pero ayan. im so happy dahel nakatapos na ung isang mhirap na kwiz.. dame ko pa gagawen..

sana pauwien na kame after ng kwiz na ito.. antok pa ko *iyak*
kasi anong oras na kaya ako natulog. basta umaga na! hahaha

ansaya saya! videoke tym na! hihi..

Friday, December 09, 2005

anong meron?

anong meron? inaantok ako pero di ako makatulog..

nagugutom ako... pero parang ayaw naman tumanggap ng pagkaen ng onaka ko..

what? nagets nyo ba un?

ano na bang gagawen ko :((

watda...

hay.. andameng problema netong mga nakaraang araw..

bket ba hindi na nauubos mga problema? sus.. hindi ba sila napapagod? pwede bang kahet one day man lang magpahinga man lng kayong mga problema kyo =)) hay.. nakakaasar.. ang saya saya sana ng buong world kung problem-free noh? sana pwde yun hahaha..

hmmm.. wat to do?...

nothing.. pakasaya lang..

waaaaa..
kaya lang mei prob nga pala ako..

panu kaya yun..

kasi po, xMas party ng aming class sa dec.19, gaganapin sa isang bar.. with the whole class..
kaya lng.. bday ni tonsy un, and.. and.. *iyak*

well, wala lng.. alam nyo na yun friends..
anu kaya gagawen ko :((

amfufu talaga hindi na natapos ung problema..
hay... sna naman kung anu ung mapili ko, tama *lols*


sleep na ko.. zZZzZzZZZzz.. -.-

Thursday, December 08, 2005

SMAP @ Jam's home

hay.. december na naman.. Xmas na naman.. hahaha..

Ngayong malapit na ang xMas, nagdecide ang mga clasmeyt ko sa UST na magtayo ng isang group. ang pangalan ng group? SMAP ---!> Samahang Malalamig Ang Pasok! awW.. kasama nga daw ako dun eh. ewan ko ba sa kanila.. eh malamig naman talaga tuwing xMas db? wahahaha

sempre di naman ako masyadong tanga noh, kaya alam ko naman ibig sabihin nila sa mga yan. pero every xMas naman talaga, ganun lang ang buhay ko, simple, masaya, kasama mga kamag anak at buong pamilya. para saken, ok na un. kahet walang.. alam nyo na.. ganun. wahahaha..

ewan ko ba naman kum baket sinale pa nila ko dun, haaayysss.. >.<

basta ako.. sama ako sa bahay nila jam! aba.. masaya yata dun! mei celebration ang SMAP.. kelangan kasama ko dun?! wahahaha..

hay.. mabuhay ang SMAP! [mabuhay!] *applause*

Tuesday, December 06, 2005

alam ko na!

hay. parang alam ko na ang dapat gawen.

lam mo, wala naman talaga ko dapat problemahen eh. hindi ko naman kasi kasalanan ang lahat. wala kaya akong kasalanan.. hahahaha..
kasi ganto yan. ung isa, kaibigang tunay na. ung isa, kum wala syang pakelam, wala na ren ako pakelam. at ung isa naman, kung ayaw nya, eh di wag nya! oks na oks! ganun lang pla yun kadali. dame ko pa iniisip.. eh masosolusyonan ko ren naman pla eh. >.<

hay. sana magpatuloy ang pakiramdam kong ito. ung masaya. walang pinoproblema.

hahahahaha.. wala nga ba? amplastik ko talaga. sige na nga meron pa ren. pero konti na lng. hindi na tulad nung dati. wahaha. baliW!

sa makakabasa neto.. wag kayong pasaway! amfufu kayo.. wala kayong kwenta. magbago na nga kayo. wahahahaha.. peace!

wala lng..

hay katamad ang computer. gutom na ko >.<

Monday, December 05, 2005

Maling akala

oh. hindi ito yung pinoy music ha?!

hay. anu ba to. namisunderstood na naman ako nang mga tao.

hay.. hindi na ako makapagisip nang matino. nakakaasar kasi eh. haaayyy.. wala lang. nababaliw na ko. akala ko kasi.. ok na ang lahat, pero yun pla.. *iyak* wahaha joke lang. amfufu hindi kaya ako dapat malungkot. kasi wala lng. mei maganda pa namang mangyayare sa buhay ko noh. its not the end of the world for me.. im too young to think stupid stuffs like. um... secret. basta. peste talaga. sana naiintindihan nyo ko.. help.. wahahaha.. kelangan ko nang pulang kabayo. joke.

sana makatulog ako nang mahimbing today.. >.<

wahhahaha sayang talaga tong si jB and saY. wahahaha.. anu ba yan pati pbb nasama na dito wala na kasi akong masabe. wahahaha... haiz.


sleep na nga ulet ako ^.^

Sunday, December 04, 2005

Hiding Sadness..

mhirap din palang magtago nang kalungkutan noh?! kala ko, smile kalang, tawa kalang.. ok na.
hindi pala ganun kadali un. akala lang naten, madali naten maitatago ito sa pamamagitan nang mga ngiti at saya. ngunit hindi. parang sasabog na yung utak mo kakaisip, pati ung puso mo kakapigil nang nararamdaman mong kalungkutan.
bket ba ang hirap magpakatotoo? dahel ba masaket ang katotohanan? siguro nga.. pero dapat, harapen yun diba? hay.. pero baket kaya.. walang bang madaling paraan para makalimutan ung mga bagay na gusto na naten mawala sa buhay naten?
hay.. ang hirap talaga.. mas maganda sana kung nagagawang happiness ang sadness.. para naman masaya diba! ^.^

Friday, December 02, 2005

Ang gulo ko ba?

alam nyo ba...

na ang toys... binibili....?

hahaha sempre alam nyo un.. pero lam nyo ba ung iba.. hindi nila alam un. kala nga nila toys ako eh *lols*


ewan ko ba, kala ata nila toys ako. hindi kaya noh. mukha lang akong toys pero tao naman ako. hindi dapat ako pinaglalaruan kasi mei feelings naman ako eh.

bket ba ganun? kung kelan andyan na, chaka aales. kung kelan meron na, chaka mawawala.. gets nyo ba ko? sempre hindi kasi ang gulo ko na kausap.

nakakaasar lang kasi eh, masyado nila ko niloloko. ako naman si tanga, nagpapaloko. eh bket. malay ko ba noh. ako lang naman ay tao, hindi perfect and hndi ren all-knowing. kaya malay ko ba.


haaayyss.. ansama talaga sa loob. hindi mu alam kung ano gagawen mu. baket ba kasi kelangan pang gawen saken un eh. siguro kasalanan ko ren. itinago ko eh. hindi ko sinabe agad. pero hindi naman sya manhed para hindi yun maramdaman. siguro ang totoo nyan, nagsawa na. nawalan na nang gana. ganun naman talaga sila. konti lang ang mapagkakatiwalaan.


haayss anu na naman ba itong sinasabe ko? puro nlng yata kaungasan.
hay hindi ko na talaga alam. sana mauntog nalang ako sa pader bigla tas mapunta lahat nang dinadala ko sa pader na un. tutal nasaktan naman ako sa pagkauntog ko sa kanya. dapat lang na maranasan nya ren ung nararamdaman ko. masaket kaya.

ahays.. tama na nga..